Makakaranas ng power interruption ang ilang lugar sa Pangasinan sa Sabado, Oktubre 3, 2026, mula alas-6:30 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, isasagawa ang maintenance activities sa 100MVA power transformer at mga kaugnay nitong kagamitan sa Labrador Substation.
Apektado ang buong bayan ng Bugallon, Mangatarem, Aguilar, Lingayen, Binmaley at Urbiztondo.
Gayunman, hindi kabilang sa maaapektuhang lugar sa Urbiztondo ang Barangay Pasibe East, Pasibe West, Balangay, Duplac, Batangcaoa, Malaca at Bituag.
Pinaalalahanan naman ng NGCP ang publiko na maaari nitong maibalik o ma-energize ang mga linya bago ang itinakdang oras, kaya dapat ituring na energized sa lahat ng oras ang mga linya at kagamitan.
Humingi naman ng pang-unawa ang NGCP sa publiko kaugnay ng pansamantalang power interruption na dulot ng maintenance activities. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




