Isinagawa ng Schools Division Office (SDO) ng Dagupan City ang inspeksyon at monitoring sa distribusyon ng School-Based Feeding Program (SBFP) sa mga itinalagang drop-off points sa lungsod.
Pinangunahan ni Schools Division Superintendent Dr. Marciano U. Soriano Jr., kasama sina Chief SGOD Dr. Liezl S. Cancino at SGOD Education Program Supervisor Jeryllee P. Tolentino, ang monitoring activity sa Bolosan Elementary School, West Central 1 Elementary School, at North Central Elementary School.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos, napapanahon at wastong pamamahagi ng mga SBFP goods sa mga recipient schools at learners.
Sinuri rin ng SDO Dagupan ang pagsunod sa mga alituntunin ng programa at pinagtibay ang accountability sa paghahatid ng feeding assistance sa mga benepisyaryong mag-aaral.
Patuloy namang isinusulong ng SDO Dagupan ang SBFP bilang suporta sa kalusugan, nutrisyon at kapakanan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







