Thursday, September 24, 2026

188.60 KILO NG RECYCLABLE WASTE, NAKOLEKTA SA PALIT BASURA CARAVAN SA ALAMINOS CITY

Umabot sa 188.60 kilo ng recyclable waste ang nakolekta sa isinagawang Palit Basura Caravan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) sa Plaza Enrique Braganza.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at publiko na makiisa sa wastong pamamahala ng recyclable waste.

Bilang bahagi ng aktibidad, ang mga nakolektang recyclable materials ay ipinagpalit sa mga grocery items, na nagsilbing insentibo sa mga lumahok.

Nakiisa rin sa programa ang iba’t ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City, gayundin ang mga paaralan sa lungsod.

Ayon sa City ENRO, mahalaga ang ganitong mga aktibidad upang mapalakas ang kamalayan ng publiko sa waste segregation, recycling at responsableng pamamahala ng basura.

Ipinakita rin ng Palit Basura Caravan ang sama-samang pakikilahok ng pamahalaan, mga paaralan at komunidad sa pagsusulong ng mas malinis at mas maayos na kapaligiran sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments