KOORDINASYON LABAN SA CHILD TRAFFICKING AT KARAHASAN SA MGA BATA, PINALALAKAS SA PANGASINAN

Pinaiigting ng mga ahensya at tanggapan sa Pangasinan ang mga hakbang para sa seguridad at proteksyon ng mga bata laban sa iba’t ibang banta, kabilang ang online sexual exploitation, child labor, human trafficking at iba pang uri ng karahasan.

Isinagawa sa Lingayen ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children o PCPC at Provincial Interagency Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children o PIACAT-VAWC.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon at mga programa para sa proteksyon ng mga bata at iba pang vulnerable sectors sa lalawigan.

Kabilang sa mga planong hakbang ang pagsasama ng Philippine National Police–Maritime Group sa PIACAT-VAWC upang mapalawak ang koordinadong pagtugon sa human trafficking at iba pang usapin sa child protection.

Matatandaang binibigyang-pansin ngayon ukol sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children o OSAEC at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials o CSAEM, na kabilang sa mga pangunahing usapin sa proteksyon ng mga bata sa Pangasinan.

Noong 2025, kabilang ang paglaban sa OSAEC at CSAEM sa mga pangunahing tema ng lalawigan sa paggunita ng National Children’s Month.

Sa patuloy na paglitaw ng mga panganib sa online at offline na kapaligiran, nakatuon ang mga child-protection agencies sa pagpapalakas ng mga mekanismo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments