Labindalawang bagong silid-aralan ang nakatakdang itayo sa Pio Generosa Elementary School sa Manaoag, Pangasinan matapos pormal na lagdaan ang isang kasunduan para sa pagtatayo ng bagong tatlong-palapag na gusali.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Education (DepEd), at Lokal na Pamahalaan ng Manaoag sa Pasay City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, saklaw ng kasunduan ang pagtatayo ng tatlong-palapag na gusaling may 12 silid-aralan.
Ang proyekto ay inaasahang mapalawak ang mga pasilidad pang-edukasyon sa Manaoag para tugunan ang pangangailangan sa learning spaces ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







