
Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 10 bagong National Artists sa bisa ng Proclamation No. 1414.
Kabilang sa mga bagong National Artist ay sina Nicanor Tiongson at Gregorio Brillantes para sa Literature; Imelda Cajipe Endaya at Nunelucio Alvarado para sa Visual Arts; at Gabriel Formoso para sa Architecture.
Kasama rin sina Rafael “Nonoy” Froilan para sa Dance; Maria Beatriz “Patis” Tesoro para sa Design; Armando “Bing” Lao para sa Film and Broadcast Arts; Teodoro Hilado para sa Theater, at Alfredo S. Buenaventura para sa Music.
Nabatid na apat na taon na ang nakalipas nang magdeklara si Pangulong Marcos ng huling batch ng National Artists, na pinakamataas na pagkilala ng bansa sa larangan ng sining at kultura.
Facebook Comments










