
Nakumpiska ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC – NAIA) ang nagkakahalagang mahigit ₱199 milyong shabu at high-grade marijuana sa isang warehouse sa Pasay City.
Dumaan sa 100% physical examination ang 15 kahon na nagmula pa sa Canada matapos madiskubre ang kaduda-dudang imahe sa X-ray screening kahit nakadeklara ang mga ito bilang “personal effects” o personal na gamit.
Natuklasan sa pag-inspeksyon na itinago ang mahigit P199 milyon na shabu sa mga lata ng pintura at fruit cocktail, habang umabot naman sa mahigit 7 milyon ang nakuhang marijuana.
Nasabat rin sa nasabing mga kahon ang 20 towels at duvet, isang uri ng makapal n kumot na nilagyan ng liquid methamphetamine upang ipuslit.
Pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang imbestigasyon para matukoy at mahuli ang drug syndicate na nasa likod ng naturang shipment.










