Thursday, September 10, 2026

Ex-House Speaker Martin Romualdez, hindi ‘nilaglag’ ng PBBM admin sa flood control anomaly

Itinanggi ng Malacañang na inilaglag ng administrasyon si dating House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may nakitang ebidensiya ang Office of the Ombudsman na naging batayan sa pagsasampa ng kaso laban kay Romualdez.

Hindi rin aniya nakikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hinahayaan ang proseso na umusad alinsunod sa batas.

Suportado rin ng Pangulo ang pahayag ni Romualdez na hindi ito magsisilbing fall guy at nais nitong ilabas ang mga taong tunay na may pananagutan sa anomalya.

Hinikayat naman ni Castro ang mga may hawak na ebidensiya na lumantad at isumite ito sa kinauukulan, sa halip na puro alegasyon lamang.

Facebook Comments