Probinsya ng Quirino, pinag-iisipan na ring alisin ang mandatong pagsusuot ng face mask

44

Pinag-iisipan na rin ng Quirino Provincial Government ang hakbang na alisin na ang mandato ng pagsusuot ng face mask sa publiko.

Ayon kay Quirino Governor Dakila Carlo Cua, baka sumunod ang kaniyang probinsiya sa Cebu, na kamakailan lang ay tinanggal ang face mask wearing mandate.

Pero aniya, kailangang isangguni sa mga eksperto ang ganitong hakbang.


Sabi ni Cua, dapat sundin ang panukala ng national government subalit dapat din tingnan umano ang autonomy ng LGU.

Facebook Comments