
Itinutulak ni Senator Ping Lacson ang pagpapalakas sa Anti-Corruption Powers ng Office of the Ombudsman.
Sa Senate Bill 2394 na inihain ni Lacson, itinutulak ang pagtatag ng sariling law enforcement service ng Office of the Ombudsman na tatawaging Marshall Service.
Batay sa panukala, ang Ombudsman Marshall Service ay bibigyan ng kapangyarihang magsagawa ng pag-aresto at pagdetine, paghahalughog at pagsamsam alinsunod sa batas.
Paliwanag ni Lacson, pagpapakita ito ng suporta sa ahensya lalo’t mahirap ang trabaho ng Ombudsman dahil sa tambak na mga hawak na kaso na may kinalaman sa katiwalian.
Kasama na ang mga kaso kaugnay ng Flood Control Scandal , Reclamation Projects at iba pang Infrastructure Projects.
Napapanahon na para kay Lacson ang dagdag na kapangyarihan na ito ng Ombudsman dahil sa ngayon umaasa pa sila sa PNP at NBI para sa imbestigasyon at pagsisilbi ng warrant.










