Thursday, September 3, 2026

Visayas at Mindanao Grid, parehong ilalagay sa red at yellow alert mamayang hapon hanggang gabi

Muling ipatutupad ang red alert status sa Visayas Grid ngayong Huwebes, Setyembre 3.

Ayon sa NGCP, nakatakda ang Red Alert mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, habang Yellow Alert naman mula alas-10:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, at muli mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng gabi.

Kabilang sa mga dahilan ng deklarasyon ng red at yellow alert ang hindi operasyon ng malalaking coal plant na TVI 1 at PEDC 3, gayundin ang limitado o kawalan ng power import mula sa Mindanao.

Naka-red alert din ang Mindanao Grid dakong alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi habang amg Yellow Alert ay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at muli mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sinabi ng NGCP na pangunahing dahilan ng alert status ang hindi operasyon ng malalaking coal plant na GNPK 1, GNPK 2, at TSI 2.

Ang Red Alert ay nangangahulugang kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang demand at kinakailangang reserba ng transmission grid, habang ang Yellow Alert ay indikasyon na manipis ang reserbang suplay para sa contingency requirements.

Facebook Comments