
Binigyang-diin ni House trial Spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na bull’s eye at klarong klaro na may paglabag si Vice President Sara Duterte sa Konstitusyon.
Sinabi ito ni Adiong matapos humarap sa impeachment trial si Securities and Exchange Commission Company Research and Monitoring Department Director Atty. Gerardo Del Rosario.
Ayon kay Adiong, lumitaw sa mga dokumento at testimonya ni Del Rosario ang kabiguan ni VP Sara ang paghawak ni VP Sara ng posisyon at pagkakaroon ng shares sa ilang mga kompanya kahit siya ay nakaupo ng bise presidente noong 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Adiong ito ay paglabag sa Article VII, Section 13 ng Saligang-Batas na nagbabawal sa pangulo, pangalawang pangulo at mga miyembro ng gabinete na magkaroon ng ibang propesyon, makibahagi sa negosyo o magkaroon ng pinansyal na kaugnayan mga kontratang konektado sa gobyerno.










