Saturday, July 11, 2026

Cross examination ng defense panel sa testigo ng prosekusyon, nagpatibay sa pangangailangan na humarap sa impeachment trial si Atty. Zuleika Lopez

Sa ginawang cross examination ng depensa sa testigo ng prosecution na si National Bureau of Investigation (NBI) agent John Mark Calilung ay lalong tumibay ang pangangailangan na maiharap sa impeachment trial bilang testigo si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.

Ayon kay House impeachment adviser and spokesperson Robert Ace Barbers,
kapansin-pansin na malaking bahagi ng cross-examination ng depensa ay umikot sa reaksyon at ugnayan ni Atty. Zuleika Lopez kay Vice President (VP) Duterte at sa mga pangyayaring nakapaligid sa pahayag ng pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang personalidad.

Malinaw para kay Barbers na ipinakikita nito na si Atty. Lopez ay isang material witness na may personal na kaalaman sa mahahalagang pangyayari na syang sentro ng ikaapat na article of impeachment.

Punto ni Barbers, kung ang depensa mismo ang nagbukas ng mga tanong na si Atty. Lopez lamang ang makapagpapaliwanag batay sa kanyang personal na kaalaman, ay mas lalong mahalagang marinig ang kanyang testimonya sa impeachment trial.

Facebook Comments