Thursday, July 9, 2026

Panibagong WOA vs Marcoleta at Defensor isinilbi na ng sheriff ng Sandiganbayan

Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PCol. John Guaigui, na nailabas na kagabi ang panibagong warrant of arrest (WOA) para kina Senator Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor na inisyu ng 4th Division ng Sandiganbayan.

Ayon kay Guiagui, sheriff ng Sandiganbayan, ang nagsilbi ng nasabing warrant para sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46 o pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng mga regalo mula sa mga pribadong indibidwal.

Ito ay bailable ng P30,000.

Sina Marcoleta at Defensor at dalawang iba pa may kinakaharap na kasong plunder na isang non-bailable na kaso.

Sina Defensor at dalawa pa ay naka-detained na sa New Quezon City Jail sa Payatas habang si Marcoleta naman ay nananatili pa rin sa PNP -General Hospital.

Facebook Comments