Tuesday, July 14, 2026

Malacañang, pinag-aaralan ang mas mataas na multa sa mga nagtatapon ng basura

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagtataas ng multa at paghihigpit ng parusa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura kung saan-saan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ikinababahala ng Malacañang ang mga CCTV footage na nagpapakita ng mga taong nagtatapon ng basura sa mga estero, creek at maging sa mga kalsada mula sa mga umaandar na sasakyan.

Patuloy naman aniya ang mga proyekto at hakbang ng pamahalaan laban sa pagbaha, ngunit kailangan din ang disiplina at kooperasyon ng publiko.

Kung hindi man makatulong sa paglilinis, nanawagan ang Palasyo sa publiko na huwag na lamang dumagdag sa problemang nagdudulot ng pagbaha.

Sa ngayon, tinatalakay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong taasan ang multa at higpitan ang parusa sa mga lalabag.

Facebook Comments