Army at BIFF anim na oras nagbakbakan sa Maguindanao

Patay ang isang kasapi ng bangsamoro islamic freedom fighter sa ilalim ni Commander Bongos faction makaraan ang anim na oras na bakbakan noong sabado ng gabi sa barangay baryo muslim Guindulungan Maguindanao.
Pinaputikan ng 19th Infantry Battalion at 2nd Mechanized battalion ng mortars ang position ng BIFF at ilang grupo ng Isis Inspired group sa maguindanao matapos na silay makitang papatakas mula sa tumutugis na MILF at AFP sa SPMS box.
Sa panayam ng RMN Cotabato kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ni Commander Bongos, na inamin nito ang anim na oras ng palitan ng putok dahil bumawi lamang daw sila makaraan ang mortar shelling sa kanilang positon… Sa ngayon naka alerto parin ang kasundaluhan sa maguindanao.

Facebook Comments