Friday, April 17, 2026

Sobra-sobrang importasyon ng asukal, pinaiimbestigahan ng Senado

Ipinasisiyasat ni Senator JV Ejercito ang over-importation ng asukal at ang epekto nito sa lokal na industriya ng asukal sa bansa.

Sa Senate Resolution no. 369 na inihain ni Ejercito, tinukoy dito ang malaking problema sa pagkalugi ng mga magsasaka at pagbagsak ng farmgate prices dahil sa pagpasok ng imported na asukal.

Ayon kay Ejercito, nakakaalarma ang labis at hindi tamang timing ng importasyon dahil apektado ang mga magsasaka at mga manggagawa ng asukal.

Tinukoy sa resolusyon na hanggang nitong March 2026, tumaas sa 668,405 metric tons ang sugar stocks na mas mataas kumpara sa 568,871 metric tons ng parehong period noong nakaraang taon at malaking isyu rito ang sobra-sobrang suplay.

Umapela ang senador sa pamahalaan na agad tutukan at ayusin bago pa lumala ang naturang problema.

Binigyang-diin ni Ejercito na silipin ang mga umiiral na polisiya sa sugar importation, partikular na rito ang timing at volume, pagtiyak na agad makatutugon sa kasalukuyang hamon at long-term support para sa matatag na industriya.

Facebook Comments