Wednesday, April 29, 2026

Maternity benefits sa ilalim ng PhilHealth, pinalawak ng pamahalaan

Pinalawak ng pamahalaan ang maternity benefits ng PhilHealth, para makatulong sa tumataas na gastos sa panganganak.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng bagong benepisyo, halos triple ang itataas ng coverage para sa normal delivery mula ₱9,750 magiging ₱29,000.

Mas lalaki rin ang sasagutin para sa cesarean section, mula ₱37,000 ay magiging ₱58,000 hanggang ₱62,000.

Pinalawak din ang prenatal care kung saan magiging walo na ang check-up mula dating apat, kasama ang mahahalagang laboratory tests at bakuna.

May tatlo na ring follow-up check-up matapos manganak na sasagutin ng PhilHealth.

Ayon sa pangulo, sa ilang kaso ay maaari nang wala nang babayaran ang pasyente, lalo na kung sa ward manganganak, kahit sa pribadong ospital.

Layunin ng programa na mapangalagaan ang kalusugan ng ina at sanggol at matiyak na hindi hadlang ang kakulangan sa pera sa ligtas na panganganak.

Facebook Comments