Friday, June 19, 2026

18 ex-bodyguards, tila inabandona ng mga senador na kaalyado ni Sen. Alan Cayetano

Para kay House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., mistulang inabandona ng mga kaalyado ni Senator Alan Peter Cayetano ang 18 mga dating bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co.

Sinabi ito ni Abante, makaraang maging press conference na lamang ang ini-anunsyong hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong June 16 sa ilalim ng dating chairman nito na si Senator Rodante Marcoleta.

Ito ay dahil, hindi dumating sa venue si Marcoleta at ang mga senador na nasa kampo ni dating Senate President Cayetano.

Sabi ni Abante, bunsod nito ay tuluyan ng nawalan ng kredibilidad ang 18 ex-bodyguards at ang kanilang akusasyon hinggil sa pag-deliver nila ng mga maletang may lamang pera.

Ayon kay Abante, ang masakit ay puro mga kaso ang kinakaharap ngayon ng ex-bodyguards na pinabayaan na ng mga politiko na gumamit lang sa kanilang mga kwentong hindi naman suportado ng mga ebidensya.

Facebook Comments