
Papalo na sa 13 flights ang naapektuhan ng masamang panahon ngayong Lunes, August 17.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), as of 3:00PM, walong flights ang na-divert o kinailangang ilipat sa ibang airport bunsod ng masamang panahon.
Kabilang dito ang mga biyaheng mula Vancouver, Tacloban, Dubai, San Francisco, Da Nang at Bacolod. Ilan sa mga ito ay pinalapag muna sa Clark, Cebu at Iloilo Airport.
Sa kabuuan, walong flights ang na-divert, tatlo ang nagkaroon ng missed approach at dalawa ang nagsagawa ng go-around routine.
Wala pa namang naitalang kanseladong flight sa monitoring ng CAAP sa ngayon.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline at alamin ang status ng kanilang flight bago magtungo sa paliparan.










