Wednesday, August 12, 2026

9 na babaeng biktima ng commercial sexual exploitation, nailigtas ng NBI sa Quezon City

Nailigtas ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang siyam na babaeng biktima ng commercial sexual exploitation sa Quezon City.

Nag-ugat ang kaso mula sa intelligence information kaugnay ng operasyon ng Spa Kyoto na matatagpuan sa Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Napaulat na nag-o-operate ang establisimiyento bilang massage spa habang nag-aalok ng mga babaeng therapist sa mga kliyente ng commercial sexual services gamit ang Telegram account.

Sa pamamagitan ng surveillance, online investigation at verification nakumpirmang nag-o-operate ang spa gamit ang Telegram para ma-advertise ang mga babaeng therapist na may alok na “All-In” o “All the Way” packages na kinabibilangan ng commercial sexual services pero may karagdagang bayad.

Sa isinagawang operasyon, nakapag-book ang undercover agents ng tatlong tatlong therapist para sa “all-in” package.

Nag-demand ang mga subject ng down payment habang ang isa namang suspek ang umasikaso sa transaction.

Matapos ang pre-arranged signal, agad inaresto ang mga subject at nailigtas ang siyam na biktima.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong large scale Qualified Trafficking in Person sa ilalim ng Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at paglabag sa Republic Act No. 10364 o Expanded Anti-Trafficking persons ot 2012.

Facebook Comments