Ateneo Blue Eagles, target na makaresbak sa De La Salle Green Archers sa muli nilang paghaharap sa UAAP finals

Sports – Pinaghahandaan na ng Ateneo Blue Eagles ang nakatakda nilang paghaharap ng De La Salle University Green Archers sa finals ng UAAP Men’s Basketball Tournament.

Ito’y matapos na talunin sa overtime game ng Ateneo ang FEU Tamaraws kahapon.

Naging susi sa panalo ng Bule Eagles si Matt Nieto para tapusin ang laro sa iskor na 88-84.


Para sa Blue Eagles, pagkakataon ito para makaresbak sa Green Archers na tumalo sa kanila noong nakaraang UAAP Season.

Sa Sabado na mapapanood ang game 1 ng UAAP finals na gaganapin sa MOA Arena.

Facebook Comments