ATOM, tinawag na paglapastangan ang paghahambing sa dating Senador Ninoy Aquino kay FPRRD

Pumalag ang August Twenty One Movement o ATOM sa paghahambing kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa yumaong si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Ito’y sa harap ng mga kumakalat na posts sa social media kung saan ikinukumpara ang dating pangulo sa dating senador.

Sinabi ni ATOM President Volt Bohol na paglapastangan ito sa legacy ni Ninoy dahil nanindigan ito sa paglaban sa karapatan ng bawat Pilipino taliwas sa ipinakita ni Duterte.


Aniya, ginagamit ng kampo ng dating pangulo ang diwa ng People Power para lamang sa kanilang political survival at hindi para sa hustisya.

Tiniyak ng ATOM na magbabantay din sila sa pag-usad ng kaso ng dating pangulo.

Facebook Comments