Bilang ng mga lugar na naapektuhan ng ASF, patuloy ang pagbaba —DA

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga lugar sa bansa na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Undersecretary Dante Palabrica, bumaba pa sa 30 hanggang 40% ang bilang ng mga apektado ng ASF.

Bagama’t hindi pa matatawag na kontrolado na ang sitwasyon pero bumaba na aniya ang hawaan ng ASF virus sa mga hog farm maging sa iba pang mga lugar.


Ito ay dahil sa mas pinabilis ng gobyerno ang ginagawang repopulation at inilatag na mga quarantine control point upang matiyak na hindi naibabyahe ang mga baboy na may sakit.

Kabilang sa ipinamamahaging mga baboy ay mga inahin para mas mapabilis ang pagpaparami nito.

Malaki rin umano ang epekto ng bakuna na itinuturok sa mga baboy upang mabawasan ang mga nahahawa ng sakit.

Dagdag ni Palabrica, sa ngayon ay may 500,000 pieces ng bakuna ang gagamitin sa mga baboy kontra ASF.

Facebook Comments