Friday, April 24, 2026

Sara Duterte, Robredo, lumiit ang agwat sa pre-election survey ng OCTA

Inilabas ng OCTA Research ang resulta ng pinakahuling Tugon ng Masa nationwide survey kaugnay ng mga napipisil ng publiko na tumakbo sa 2028 presidential elections.

Bagama’t nangunguna pa rin si Sara Duterte, lumiit ang agwat niya kay Leni Robredo, na kasalukuyang alkalde ng Naga City.

Ayon sa OCTA, nakakuha si Duterte ng 33%, mas mababa ng limang porsyento kumpara sa kanyang rating noong huling quarter ng 2025.

Samantala, tumaas ng 13 porsyento ang rating ni Robredo at umabot sa 21%.

Sumunod si Isko Moreno na may 10%, at si Raffy Tulfo na may 9%.

Napanatili naman ni Bam Aquino ang kanyang 4%.

Bukod dito, 2% ng mga respondent ang nagsabing undecided pa rin, 1% ang hindi sumagot, at 20% ang nagbanggit ng ibang pangalan.

Isinagawa ang survey mula March 19 hanggang 25 sa 1,200 respondent na edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na may margin of error na ±3% sa 95% confidence level.

Facebook Comments