VP Sara, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis

Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni Pope Francis.

Sa kanyang mensahe, tinawag ni VP Sara si Pope Francis bilang mahabagin, mapagpatawad, at maawain sa mundong aniya’y nalason ng hindi pagkakapantay-pantay, galit, kasakiman, at giyera.

Pinuri din ng Pangalawang Pangulo si Pope Francis sa pangunguna nito sa Katoliko Romano nang may kababaang loob, dedikasyon at pananampalataya bilang alagad ng Diyos.

Nanawagan din ang Pangalawang Pangulo ng panalangin para sa walang hanggang pamamahinga ni Pope Francis.

Facebook Comments