Wednesday, October 21, 2026

Sen. Robin Padilla, hinamon ang mga opisyal ng gobyerno na matatapang na kausapin ng personal si Chinese Ambassador Jing Quan

Hinamon ni Senator Robinhood Padilla ang mga opisyal ng gobyerno na matatapang laban sa China na harapin at kausapin ng personal si Chinese Ambassador Jing Quan.

Ang hamon ni Padilla ay ginawa ng senador matapos niyang maka-usap ng personal si Ambassador Jing.

Paliwanag ni Padilla, wala namang pagbabanta na ginawa si Quan laban sa bansa.

Aniya pa, pinutol lamang ang sinabi ni Quan at hindi isinama ang bahagi na sinasabi ng ambassador na hindi nila gagawin ang gulo dahil mas gusto nila ng kapayapaan.

Sinabi ni Padilla na siya mismo ay nakipagkita at nakipagusap kay Jing bagama’t bitin ang kanilang naging pag-uusap at kasama sa napag-usapan ang naging pahayag ng ambassador.

Facebook Comments