
Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi dapat nakikipag-negosasyon ang gobyerno sa armadong grupo na sinasabing pumoprotekta kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Kaugnay nito ay sinita ng senador ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakikipag-negosasyon ang gobyerno sa umano’y armadong grupo para sa mapayapang pagaresto kay Dela Rosa.
Ayon kay Gatchalian, hindi niya alam ang detalye at kung anong grupo iyon pero kung armado na hindi naman otorisado na magkaroon ng armas, hindi dapat nakikipag-negosasyon sa kanila ang gobyerno.
Binigyang-diin pa ni Gatchalian na hindi pupuwedeng mas armado pa ang isang grupo kumpara sa gobyerno.
Nauunawaan naman niy ang sinasabi ni Remulla na pagiingat lamang ito dahil buhay ang nakasalalay.
Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na nakikipagnegosasyon ang gobyerno para sa pagaresto kay dela Rosa na huling na-monitor sa Mindanao.










