Thursday, October 22, 2026

Unconstitutional budgets, hindi mauulit sa 2027

Tiniyak ni Senate President pro-tempore Tito Sotto III na hindi na mauulit sa 2027 national budget ang tulad sa idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional sa mga probisyon ng 2024, 2025 at 2026 national budget.

Ayon kay Sotto, hindi nila papayagan ang diumano’y mga ginalaw sa panukalang budget para sa susunod na taon na sasalungat sa naging ruling ng Supreme Court.

Tulad aniya sa naging pambansang pondo ngayong taon, magiging transparent at naka livestream muli ang budget deliberatios sa bicameral conference comittee para klaro ang talakayan at alam ng tao kung saan pupunta ang pera ng bayan.

Naunang sinabi ni Finance Committee Chairman JV Ejercito na bukod sa livestreaming ay itutuloy din nila ang nasimulan sa 2026 tulad ng pag-upload sa senate website ng mga budget documents na naaprubahan mula sa Kamara hanggang sa bicameral conference comittee upang mapag aralan at mabantayan ng publiko.

Sa ibinabang ruling ng Korte Suprema, idineklarang labag sa konstitusyon ang 2024 at 2025 national budget dahil pinalobo ang alokasyon sa unprogrammed appropriations habang unconstitutional naman ang special provisions ng 2026 national budget na overly broad, walang prioritization standards at ilang bahagi ay maituturing na lump sum.

Facebook Comments