Saturday, October 17, 2026

Pagpapauwi sa 149 OFW mula Riyadh, inihahanda na ng OWWA

Nakatakdang maiuwi sa Pilipinas ang 149 Overseas Filipino Workers o OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia, sa Oktubre 20.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, kabilang sa mga pauuwiin ang mga OFW na nasa Bahay Kalinga, mga manggagawang mula sa Saudi recruitment agencies, at mga stranded na OFW na pansamantalang nanunuluyan sa mga hotel.
Ilan sa kanila ang naapektuhan ng kanselasyon at pagkaantala ng mga biyahe ng eroplano kasunod ng insidente sa King Khalid International Airport sa Riyadh.

Nagsagawa na rin ng pre-flight orientation ang OWWA Riyadh nitong Oktubre 16 upang ipaliwanag ang proseso ng pagpapauwi, mga kinakailangang dokumento, at iba pang paghahanda bago ang kanilang paglipad.
Gagamitin sa repatriation ang supplemental Emergency Repatriation Fund sa ilalim ng UPLIFT program.

Katuwang ng OWWA ang Department of Migrant Workers at Philippine Embassy sa Riyadh sa pagsasaayos ng kanilang pag-uwi.
Tiniyak din ng ahensya na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga OFW sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

Facebook Comments