Saturday, April 18, 2026

PBBM, tiniyak ang tulong sa magsasaka sa gitna ng mahal na langis

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magsasaka at producers sa Benguet na kumikilos ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at mapanatiling sapat ang suplay ng gulay sa merkado.

Ayon sa pangulo, nababahala siya sa ulat na may ilang magsasakang nag-aatubiling magpadala ng ani sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa mahal ng petrolyo.

Inalis na rin aniya ang ilang singil ng mga lokal na pamahalaan at toll fees para sa mga truck na nagdadala ng pagkain upang gumaan ang gastos sa biyahe.

Dagdag pa niya, may P10 diskwento kada litro ng diesel para sa mga tsuper ng jeep at UV Express, habang isinama rin ang ilan sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Binigyang-diin ng pangulo na layunin ng mga hakbang na mapanatiling maayos ang suplay ng pagkain at makontrol ang presyo sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments