
Personal na nagtungo para mag-sorry si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kay Jhony Lanquino, ang lalaking natiketan matapos madatnan na walang suot na pantaas na damit habang naghahalo ng semento sa Mandaluyong City.
Kung saan inamin ni Remulla na nagkaroon siya ng pagkukulang sa kaniyang direktiba kaugnay ng implementasyon ng Safer Cities Initiative.
Nilinaw naman ng kalihim ang kaniyang direktiba na ang exempted rito ay ang mga nagtatrabaho, lalo na sa ilalim ng init ng panahon, ngunit ang mga lumalabas o tambay lamang ang siyang maaaring tiketan.
Hinimok naman ni Remulla ang publiko na kahit sando lamang ay magsuot paglabas ng kanilang mga bahay.
Kaugnay nito, ibinalik naman ni Remulla ang ₱500 na binayad ng chairman ng Barangay Addition Hills para sa multa ni Jhony.
Dagdag pa nito, sinagot na rin ni Remulla ang gagastusin para matapos ang nasabing pagpapatiles sa sahig ng bahay ni Jhony.










