Tuesday, September 1, 2026

AWTORIDAD, NAGPAALALA UKOL PAGSALAKAY NG MGA KAWATAN NGAYONG MAULAN ANG PANAHON

Nagpaalala ang mga awtoridad partikular sa mga nagmamay-ari ng sasakyan ukol sa mga kawatan na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad lalo na sa kasagsagan ng pag-uulan o sama ng panahon.

‎Ayon kay Patrolman Alvin Juguilon ng Dagupan City Police Office Police Station 1, dapat na siguruhin ng mga nagmamay-ari ng mga sasakyan tulad ng kotse, tricycle at motorsiklo na napaparada ang mga ito sa maayos na lugar upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga kawatan na maisagawa ang masamang balak.


‎Madalas din umanong target ng mga kawatan ang mga tricycle o motorsiklo na naiiwan ang mga susi kung saan madaling natatangay.

‎Dapat rin umaning doblehin na suriin kung nakuha ba ang susi at na-lock ng maigi ang mga sasakyan bago iwan sa paradahan o parking area.

‎Samantala, tiniyak naman ng awtoridad ang koordinasyon sa mga barangay para sa pagpapatibay pa ng monitoring upang maiwasan ang paglaganap ng nakawan at iba pang ilegal na gawain sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments