Muling nagsulputan ang mga sasakyang kuliglig sa bahaging ng Mayombo sa Dagupan City—daan patungong ng Calasiao dahil sa tubig baha na naranasan, kahapon.
Ito muna ang pansamantalang naging pangunahing uri ng transportasyon ng mga komyuter na nais tumawid sa nasabing daanan para makarating sa kanya-kanya nilang destinasyon.
Inabot ng hanggang tuhod ang tubig baha sa daanan kaya naman mas pinili na lamang ng mga komyuter na sunakaybsa kuliglig kaysa lumusong.
Sa kabila nito, may ilan pa rin na nilusong ang tubig baha kahit hindi nakabota o wader.
Samantala, may ilang light vehicles tulad ng tricycle at motorsiklo ang hindi rin muna tinangkang lumusong sa nasabing tubig baha sa takot na tumirik ang kanilang mga sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








