Sunday, June 28, 2026

DOE, tinukoy ang dalawang transmission lines na nagka aberya at naging dahilan ng mga brownout

Tinukoy ng Department of Energy (DOE) ang dalawang transmission lines na nagka aberya at naging dahilan ng deklarasyon ng Red at Yellow Alert sa Luzon at Visayas Grids

Ayon sa DOE, nag-trip o nawalan ng serbisyo ang dalawang mahahalagang transmission lines ng Ilijan-Dasmariñas at Ilijan-Tayabas 500kv lines.

Ang naturang transmission lines ang mga pangunahing daluyan ng kuryente mula sa mga planta patungosa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ito rin aniya ang nagpapadala ng supply ng kuryente patungo sa Visayas Grid sa pamamagitan ng interconnected transmission system.

Inihayag ng DOE, nasa 12% ng suplay sa Luzon ang dumadaan sa ganitong uri ng linya.

Ipinaliwanag pa ng DOE na kapag naputol ang mahahalagang transmission lines, naaapektuhan ang daloy ng kuryente sa grid, at nagdudulot ng overload sa ibang linya at nagiging dahilan ng pagbaba ng reserve power o ekstrang suplay ng kuryente.

Facebook Comments