Babaeng nagpanggap na pulis, arestado

Kalaboso ang isang ginang makaraan itong magpanggap bilang pulis.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Batangas Provincial Police Office Director, P/Col. Pedro Soliba ang naaresto na si Vanessa Mago, 36 anyos at residente ng Sto. Tomas, Batangas.

Sa paunang imbestigasyon, inaresto si Mago makaraang mabigong magpakita ng anumang katibayan na siya ay myembro ng Philippine National Police nang mahuli sa checkpoint sa bahagi ng Talisay.


Ayon kay Police Col. Soliba, nakasuot pa si Mago ng kulay olive na tshirt na may ‘PULIS’ na nakasulat, naka asul na jogging pants at rubber shoes na hindi pasok sa pamantayan ng tamang bihis ng isang pulis.

Dahil dito, nabisto rin na may existing warrant of arrest ang suspek dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention na inibalas ng Calabanga, Camarines Sur Regional Trial Court Branch 63.

Sasampahan si Mago ng kasong paglabag sa Revised Penal Code o Usurpation of Authority & Illegal Use of Uniform or Insignia.



Facebook Comments