MANGGAGAWA SA PANGASINAN, PANAWAGAN DIN ANG UMENTO SA SAHOD MATAPOS ANG NCR WAGE HIKE

Matapos maaprubahan ang 85 pesos na dagdag sa minimum na sahod sa National Capital Region o NCR, ilang manggagawa rin dito sa Pangasinan ang umaasang mapag-aaralan din ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang posibilidad ng dagdag-sahod upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.


‎Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang manggagawa Pangasinense, hindi na umano sapat ang kanilang kasalukuyang sahod upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang gastusin.

‎Dahil dito, mainam rin umano sana ang umento sa sahod sa Region 1.



‎Matatandaan na inihayag ng Department of Labor and Employment, ang wage increase sa NCR na ipatutupad sa dalawang bahagi—₱60 na epektibo ngayong Hulyo at karagdagang ₱25 sa susunod na taon.

‎Sa kabilang banda, opisyal nang kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may upper-middle income status, ayon sa World Bank, kasunod ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

‎Batay sa pinakahuling country income classification ng World Bank, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong Gross National Income (GNI) per capita na umabot sa $4,850, mas mataas kumpara sa $4,470 noong nakaraang taon.

‎Noong 2025, kinapos ang bansa ng $26 upang maabot ang itinakdang antas para sa isang upper-middle income country. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments