Sunday, July 12, 2026

šŸÆšŸ®-š—”š—”š—¬š—¢š—¦ š—”š—” š—šš—Øš—„š—¢, š—§š—œš— š—•š—¢š—š š—¦š—” š—•š—Øš—¬-š—•š—Øš—¦š—§ š—¢š—£š—˜š—„š—”š—§š—œš—¢š—” š—¦š—” š—–š—”š—šš—”š—¬š—”š—”

CAUAYAN CITY- Isang 32-anyos na guro ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation noong ika-8 ng Hulyo sa Brgy. Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas ā€œMjā€ at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, naaresto ang naturang susepk matapos umano itong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover operative. Sa isinagawang imbentaryo, nakumpiska ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na limang gramo at standard drug price na umaabot sa ₱34,000. Nabawi rin ng mga operatiba ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments