Baclaran Church, idineklarang important cultural property ng National Museum of the Philippines

Idineklara ng National Museum of the Philippines ang Baclaran Church sa ParaƱaque City bilang isang important cultural property.

Ibig sabihin nito, nakitaan ng Pambansang Museo ang nasabing simbahan ng cultural, artistic at historical significance.

Kaugnay nito, maaaring humingi ang pamunuan ng Baclaran Church ng subsidiya sa gobyerno para sa preservation at conservation ng nasabing istruktura.


Isinagawa ang deklarasyon nito kasabay ng kapistahan ng Our Mother of Perpetual Help at 75th anniversary novena sa nasabing simbahan.

Facebook Comments