
Iginiit ni Senator Ping Lacson na isang “unforced error” ang pagsama ng bansa sa digmaan sa ibayong dagat at hindi “force majeure”.
Kaugnay ito sa post ni Senator Robinhood Padilla na social media kung saan pinatungkulan nito ang gyera sa Middle East at sigalot sa pagitan ng China at Taiwan na isang “force majeure” para mabigyang katwiran ang isinusulong na payagang lumahok ang ilang senador sa sesyon online o via videoconferencing.
Sagot ni Lacson sa kanyang X account, ang tinukoy ng kasamahan ay hindi force majeure kundi “UNFORCED ERROR” o hindi sadyang pagkakamali.
Naunang idiniin ni Lacson na posibleng hindi magtagumpay ang mosyon para pahintulutan ang virtual participation ng isang senador dahil sa ilalim ng umiiral na patakaran, papayagan lamang ito kung may force majeure at national emergency.
Samantala, sinagot din ng senador ang paratang ni Senate President Alan Peter Cayetano na nagmamadaling umalis ng session hall ang mga minority senators noong gabi ng Martes.
Giit ni Lacson, tahimik silang nagwalk-out sa sesyon dahil ang mayorya ang nagmamadali na amyendahan ang rules at hatiin ang kapulungan gayong nasa gitna pa sila ng mainit na debate.










