Tuesday, May 12, 2026

PNP, handang ipatupad ang warrant of arrest mula sa ICC kay Sen. Dela Rosa kapag mayroon nang court order

Handa ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang warrant of arrest ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) kung mayroon na itong court order.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, may dalawang proseso para i-implement ang ICC warrant, una ang extrajudicial proceedings na nangangailangan ng court order kung saan ito ay magkakaroon pa ng pagdinig.

Pangalawa ay ang direct surrender kung saan ang ICC Warrant ay padadaanin sa interpol sa koordinasyon sa National Central Bureau o sa Philippine Center for Transnational Crime at pupulungin ang 4 na ahensya, ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Kaugnay nito, ayon kay Tuaño wala pang natatanggap ang PNP na kautusan mula sa National Central Bureaus (NCBs)/Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) kung alin sa dalawang proseso ang gagawin para sa ICC warrant ni Senator Bato Dela Rosa .

Samantala, naninidigan ang PNP na mananatili itong nakasandig sa mga umiiral na batas.

Facebook Comments