
Pinuri ni House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 43-taong gulang na si Kim Robert de Leon bilang bagong budget secretary.
Umaasa si Khonghun na makakatulong si De Leon sa pagbalangkas ng Department of Budget ang Management (DBM) ng national spending program na tiyak makakatugon sa kasalukuyang krisis sa langis.
Tiwala si Khonghun na maghahatid si De Leon ng sigla at makabuluhang idea para makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya, gayundin sa paghahatid ng tulong at suporta sa kababayan nating higit na apektado ng krisis.
Ayon kay Khonghun, ang pagtalaga kay De Leon ay isang magandang oportunidad na nataon sa paghahanda ng ehekutibo sa panukalang 2027 national budget.
Naniniwala si Khonghun na ang dahil sa kahanga-hangang academic at professional credentials ay magagampanan ni De Leon ng mahusay ang trabaho niya.










