Thursday, May 14, 2026

VP Sara Duterte, kinumpirmang napanood ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tensyon sa Senado

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na napanood ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tensyon sa Senado.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na wala sana siyang balak na ipaalam sa dating pangulo ang kaguluhan sa Senado pero napanood aniya ito ni PRRD sa telebisyon.

Inupakan naman ni VP Sara ang aniya’y paggamit ng administrasyon sa lahat ng resources ng gobyerno para pilayin ang mga hindi sumasang-ayon sa mga ginagawa ng pangulo.

Aminado rin si VP Sara na nalulungkot siya at nagagalit sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas.

Facebook Comments