Wednesday, May 13, 2026

Reporter, nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment laban sa dating katrabaho sa QC Prosecutors Office

Nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment sa Quezon City Prosecutor’s Office ang TV-reporter na si Athena Imperial laban sa dati niyang kasamahan sa network na si Nico Waje.

Sa pahayag ng abogado ni Imperial na si Atty. Aloi Renz Santos ng APS Law, sinabi nitong nasa tamang forum na ang kaso kaya’t hahayaan na lamang nilang umusad ang legal na proseso habang pinoprotektahan ang karapatan ng kanilang kliyente.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ni Imperial na hindi naging madali ang desisyon niyang magsampa ng kaso na kinailangan pa niyang panahon, pagninilay, at suporta mula sa mga taong malalapit sa kanya bago nagkaroon ng lakas ng loob na ituloy ito.

Hiniling din niya sa publiko na iwasan ang mga espekulasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at legal na proseso.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Waje tungkol sa reklamo.

Facebook Comments