
Hindi umano totoo na na-hack o wala ng pondo ang eGovPH platform kaya ito pansamantalang nagkaroon ng interruptions kamakailan.
Ayon sa Department of Information and Communication Technology o DICT, ito umano ay dahil sa pagdami at sabay-sabay na transaksyon ng mga user ng nasabing platform kasunod ng inilunsad na mga bagong feature.
Hanggang ngayon umano ay patuloy pa ang pag a-upgrade ng nasabing platform para mas mapalakas ang server infrastructure, madagdagan ang cloud capacity, magkaroon ng mas maayos na system scalability, at masigurong maaasahan ng publiko ang nasabing platform.
Samantala, kabilang naman sa ini-enhance sa platform ay ang backend improvements, pag i-expand ng server capability, at closer integration sa ibang government systems para maibigay ang de kalidad na serbisyo sa publiko.










