Bagong IBP President, manunumpa bukas sa Korte Suprema

133

Alas-tres bukas ng hapon manunumpa sa En Banc Session Hall ng New Supreme Court Building sa Faura Street, Ermita, Manila ang bagong pangulo ng Integrated Bar of the Philippines.

 

Ito ay sa katauhan ni Atty. Domingo Cayosa na dating Vice President ng IBP ay magiging ika-dalawamput limang National President ng IBP.


 

Mismong si Chief Justice Lucas Bersamin ang magpapanumpa sa bagong IBP president.

 

Pinalitan ni Cayosa si Atty Abdiel Dan Elijah Fajardo magugunitang sina Cayosa at Fajardo ay kapwa sinampahan ng disbarment case sa Korte Suprema ng party-list group na Nagkakaisang Manileño dahil daw sa paglabag Sa Rule 1.02 ng Code of Professional Responsibility.

 

May kaugnayan ito sa pagpapagamit daw ng IBP officials sa kanilang tanggapan nang magsagawa ng press conference si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na nagsasaad ng paninira laban sa administrasyong Duterte.

 

Facebook Comments

From Advertisers