BAGONG KOPONAN | Brent Paraiso ng DLSU – Lilipat na sa UST Growling Tigers

Manila, Philippines – Matapos ang 15 loyal years sa De La Salle University, lilipat na sa UST Growling Tigers si Brent Paraiso.

Kinumpirma Mismo ito ni Paraiso sa pamamagitan ng Twitter post.

Pebrero nang unang inanunsyo ng DLSU ang pag-alis ni Paraiso sa team kasama sina Ricci at Prince Rivero.


Ito ay matapos na ipatupad ng Unibersidad ang polisya na nagbabawal sa mga manlalaro na pumasok sa mga sponsorship agreements sa mga commercial entities.

Kamakailan lang nang pag-usapan sa social media ang instagram story ng UST player na si Jordan Sta. Ana kasama sina Paraiso, Ricci at ibang pang miyembro ng Growling Tigers sa loob ng isang locker room.

Facebook Comments