PINAGTULUNGAN | Poll watcher – Sugatan matapos bugbugin sa loob ng poll precinct sa Taguig

Manila, Philippines – Sugatan ang isang poll watcher matapos pagtulungang bugbugin sa kasagsagan ng botohan sa Maharlika Elementary School sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Ybrahim Ismael na agad ginamot sa isang ambulansya.

Ayon naman sa incumbent Barangay Chairman na si Baisette Pangandaman, ang dalawang suspek ay mula raw sa kampo ng kanyang kalaban na si Harry Pautin na mismong pamangkin niya.


Dahil sa tensyon, bahagya ring naantala ang pagboto ng ilang botante sa isang poll precinct.

Inaresto naman ang dalawang suspek.

Facebook Comments