BAGONG PAMASAHE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, TULUYAN NANG IPINATUPAD

Matapos ang pansamantalang suspensyon ng taas-pasahe noong Marso, tuluyan nang ipatutupad ang bagong pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, maaari nang maningil ang mga pampublikong sasakyan batay sa bagong aprubadong pasahe.

Maaari ring bisitahin ng mga operator at driver ang opisyal na website ng LTFRB upang i-download at i-print ang fare matrix na dapat ipaskil sa kanilang mga sasakyan.

Ayon kay Renato Mateo, dispatcher sa isang bus terminal sa Dagupan City, ikinatutuwa nila ang muling pagpapatupad ng taas-pasahe dahil matagal na umano itong hinihintay ng mga driver at operator.

Samantala, mananatili ang discounted fare para sa mga senior citizen at estudyante, alinsunod sa umiiral na mga patakaran sa fare discount.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na tingnan ang bagong fare matrix na nakapaskil sa mga pampublikong sasakyan upang malaman ang tamang pamasahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments