
No show sa budget hearing ng Office of Vice President (OVP) dito sa Senado si Vice President Sara Duterte.
Sa halip, ang humarap o kumatawan sa kanya sa pagdinig ng budget ng OVP ay ang kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Naitanong ni Senate President Sherwin Gatchalian kung nasaan si VP Duterte at ayon kay Lopez, kumatawan ang bise presidente kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa inurnment ng city planner sa siyudad ng Davao na matagal na nagsilbi doon at nataong naka-schedule din ngayong araw.
Sinabi naman ni Gatchalian na umaasa siyang dadalo si VP Duterte sa plenary deliberations ng budget ng OVP para madepensahan ito.
Samantala, sa 2027 budget ng OVP ay bumaba ito ng 11% o mula sa ₱889 million ngayong 2026 ay bumaba ito sa ₱785 million.
Pangunahing proyekto naman ng opisina ng bise presidente ang mga socio-economic programs para pantulong sa mga constituents.
Sa kabila ng hindi pagdalo ni VP Duterte sa budget hearing, mabilis na inaprubahan ito ng Finance Committee at inendorso na sa plenaryo ang OVP budget bilang pag-extend ng kortesiya sa pangalawang pangulo.










